Naniniwala ang mga Bahá’í na ang pinakamahigpit na pangangailangang kinakaharap ng sangkatauhan ay ang pagkakakaroon ng nagkakaisang larawang-isip para sa hinaharap ng lipunan at ng likas na katangian at layunin ng buhay. Ang gayong larawang-isip ay isinisiwalat sa mga kasulatan ni Baha’u’llah.
Maagang Simula
Ang mga Bahá’í na ito, bagama't kakaunti ang bilang, ay nag-alay ng oras at pagsisikap sa pagbabahagi ng mensahe ni Bahá'u'lláh. Pagsapit ng 1960, mayroong apat na Local Spiritual Assemblies sa Pilipinas at humigit-kumulang 400 Bahá'ís.
Noong 1961, ang Hand of the Cause of God Dr. Rahmatulláh Muhájir ay bumisita sa Pilipinas—ang una sa kaniyang maraming pagbisita sa Pilipinas na ginawa niya noong nabubuhay pa siya. Makalipas ang isang taon, naitatag ang 24 na Local Assemblies at daan-daang Pilipino ang nakatala sa Pananampalatayang Baha'i. Noong 1964, inihalal ang unang National Spiritual Assembly ng Pilipinas. Ang mga miyembro nito ay sina Vicente Samaniego, Pablo Mercado, Jack Davis, Neva Dulay, Luisa Mapa Gomez, Dominador Anunsacion, Ruth Walbridge, Theodore Boehnert at Orpha Daugherty. Sa taong 1980, 45 Local Spiritual Assemblies ang nahalal sa buong Pilipinas at ilang daang indibidwal, na naghahangad na maglingkod sa sangkatauhan, ay sumali sa pamayanang ng Bahá’í.
Ang mga sumunod na taon ay naging saksi sa patuloy na pagtaas ng mga pagsapi sa Pananampalataya, gayundin ang sistematisasyon ng mga gawain nito na nagtataguyod ng kapakanan ng sangkatauhan.

First Bahá’í Spiritual Assembly of the Philippines
Solano, Nueva Vizcaya
Liwanag ng Pag-asa: Pinakabagong Pag-unlad sa Pamayanang Bahá’í ng Pilipinas
Isang sulyap sa mga hakbang, inisyatiba at mga kaganapan ng pamayanang Bahá’í
ng Pilipinas tungo sa pagkakaisa at paglilingkod.
Youth Gathering
The Youth Gathering was held on July 19–20, 2025, at the Bahá’í Center in Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon. It was joined by over 35 Youth from the clusters of Manolo, Surigao, Cagayan, and Ozamiz.
basahin ang buong artikulo...
Mga Pangunahing Tema
Tuklasin sa ibaba ang ilang pangunahing teama na
mahalaga sa paniniwala at pagsasabuhay ng relihiyong Bahá’í
Kung pahihintulutan ng mga pantas at marurunong ng mundong ito ang sangkatauhan na malanghap ang halimuyak ng pagkakaisa at pagmamahal, bawat maunawaing puso ay mauunawaaan ang kahulugan ng tunay na kalayaan, at matutuklasan ang lihim ng walang kaguluhang kapayapaan at ganap na kapanatagan.
-BAHA'U'LLAH-
Sa ganitong diwa pumapasok ang mga Baha'i sa pagkikipagtulungan, ayon sa kakayahan ng kanilang mga mapagkukunan, sa dumaraming bilang ng mga kilusan, organisasyon, grupo, at indibiduwal, na magtatag ng mga pakikipag-ugnayan na nagsusumikap na baguhin ang lipunan at isulong ang adhikain ng pagkakaisa, itaguyod ang kapakanan ng tao, at mag-ambag sa pandaigdigang pagkakaisa.
- THE UNIVERSAL HOUSE OF JUSTICE -
Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Bahá’í ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinangangasiwaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Bahá’í ng Pilipinas, ang siyam na halal na kasapi na bumubuo sa namumunong katawan ng pamayanang Bahá’í sa bansa.




