+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Ang Mga Gawain ng mga Bahá’í

Mula sa simula ng Pananampalatayang Bahá’í noong Ikalabinsiyam na Siglo, ang lumalaking bilang ng mga tao ay nakatagpo sa mga turo ni Bahá’u’lláh ng isang kapani-paniwalang larawang-isip para sa higit na mabuting daigdig. Marami ang nakakuha ng malalim na pag-unawa mula sa mga turong ito—halimbawa, sa kaisahan ng sangkatauhan, sa pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan, sa pag-aalis ng pagkiling, sa pagkakasundo ng agham at relihiyon—at sinikap nilang ipatupad ang mga simulain ng Bahá'í sa kanilang buhay at trabaho. Higit pa roon ang ginawa ng mga iba, at ipinasiya nilang sumali sa pamayanang Bahá’í at makilahok sa mga pagsisikap nitong tuwirang makatulong sa pagsasakatuparan ng kagila-gilalas na larawang-isip ni Bahá’u’lláh sa paghantog ng sangkatauhan sa kaganapang-isip.

Ang mga Bahá’í ay nagmumula sa lahat ng uri ng buhay. Bata at matanda, mga kalalakihan at kababaihan, namumuhay sila kasama ang mga iba sa bawat lupain at nagmumula sa bawat bansa. Nagkakaisa ang kanilang layuning paglingkuran ang sangkatauhan at pinuhin pa ang kanilang panloob na buhay alinsunod sa mga turo ni Bahá’u’lláh. Sa pamayanang kinabibilangan nila umiiral ang pagsisikap matuto at pagkilos, malaya sa anumang diwa ng pagmamataas o pag-angkin sa eksklusibong pag-unawa sa katotohanan. Ito ay isang pamayanang nagpupunyagi upang linangin ang pag-asa para sa kinabukasan ng sangkatauhan, upang mapayabong ang nakatalagang pagsisikap, at upang ipagdiwang ang pagsusumakit ng lahat ng mga nasa daigdig na naglilingkod upang maitaguyod ang pagkakaisa at maibsan ang pagdurusa ng tao.

































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.