+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Pamumuhay ng Pamilya at Mga Bata

Ang pamilya ay ang pinakaubod ng lipunan ng tao. Nagbubukas ito ng isang mahalagang tagpo para sa pagyabong ng kapuri-puring mga katangian at kakayahan. Sa pamamagitan ng maayos na pamumuhay nito at ng pagbuo at pagpapanatili ng mga bigkis ng pag-ibig na nagbubuklod sa mga miyembro nito, patuloy nitong pinatutunayan ang katotohanang ang mabuting kalagayan ng indibidwal ay hindi maihihiwalay sa pag-unlad at mabuting kalagayan ng mga iba.

Ang isang pangunahing tungkulin ng pamilya ay ang pagpapalaki ng mga batang aako sa tungkulin para sa sarili nilang espiritwal na pag-unlad at sa kanilang pakikilahok sa pagsulong ng kabihasnan. Sinabi ni 'Abdu'l-Bahá na nararapat sa ina at ama ng kanilang supling na "magpunyagi, bilang tungkulin, nang buong pagsisikap upang sanayin ang anak na babae at lalaki", at ang mga magulang na Bahá'í, na may pangunahing tungkulin para sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ay dapat laging isinasaisip ang kanilang tungkulin kaugnay dito. Subalit ang edukasyon ng mga bata ay hindi lamang tungkulin ng mga magulang. Ang pamayanan ay mayroon ding mahalagang ginagampanan at ang pamayanang Bahá'í ay nagbibigay ng malaking pansin sa paksang ito. Sa katunayan, ang mga klaseng bukas sa lahat, para sa espiritwal at moral na edukasyon ng mga bata ay karaniwang kabilang sa mga unang gawaing pinagsisikapang itatag ng mga Bahá'í sa isang lokalidad.

































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.